Nagpa-abiso na sa Malakanyang ang ambassador ng Estados Unidos sa Pilipinas hinggil sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil na ang Visiting Forces Agreement (VFA).
Ito ay matapos namang ipag-utos na ni Pangulong Duterte ang pag-convene sa Visiting Forces Commission.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagpapa-set na ng pulong si US ambassador to the Philippines Sung Kim sa mga opisyal ng Malakanyang.
Sinabi ni Panelo, si Executive Secretary Salvador Medialdea ang napagpasiyang humarap at makipag-usap kay kim.
Posible aniyang maitakda ang pulong ngayong araw o bukas.