Pinag iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pagkain ng mga exotic foods kasunod ng banta ng 2019 novel coronavitus mula sa China.
Ito ay sa kabila ng mga report na wala pang kumpirmasyon ng sakit sa bansa.
Ayon kay Healht Secretary Francisco Duque III, hindi na bago ang pagkain ng mga kakaibang klase ng pagkain dito sa bansa.
Aniya, kailangang matiyak na hindi malalagay sa alanganin ang buhay ng sinumang kakain ng exotic foods.
Samantala, iginiit naman ni Duque na pinakamainam pa rin ang pag kain ng masusustansyang pagkain lalo na sa mga bata.