Dagsa ang libu-libong mga deboto ng Senyor Sto. Niño sa Iloilo City kahapon.
Ito’y kasabay ng taunang pagdiriwang ng Dinagyang Festival sa Iloilo, isang linggo matapos ang Sinulog ng Cebu at Ati-Atihan ng Kalibo sa Aklan.
Sinimulan ang pagdiriwang ng isang fluvial procession mula sa Fort San Pedro patungong Muelle Loney Street.
Sinundan naman ito ng foot procession tungo sa provincial capitol hanggang sa makarating sa San Jose Parish Church.
Ngayong araw, isasagawa ang magarbong Dinagyang parade na tinaguriang Mardrigas ng Pilipinas sa Freedom Grandstand.
Susundan naman ito ng tradisyunal na sadsad na isang religious chant and dance bilang pagpupugay sa Senyor Sto. Niño sa San Jose Church grounds mamayang 7:00 ng gabi.