Tampok sa makulay at masayang selebrasyon ng Chinese New Year sa Binondo, Maynila, ang pagtatahanghal ng mga unique rituals ng mga kababayan nating Filipino-Chinese.
Maliban sa pagdiriwang na ito na sinamahan ng mga tradisyunal na lion and dragon dance, mayroon ring mga notable practices na itinampok upang makapagbigay ng good fortune o good luck sa mga nakiisa sa naturang festivities.
Sa mismong Lucky Chinatown walk, makikita ang napakalaking red and yellow lantern na magbibigay rin umano ng “future happiness” para sa mga maglalakad sa ilalim nito.
Naroon din ang imahe ng laughing Buddha na sinasabing nagbibigay kasagutan sa mga dalangin ng isang tao.
Ngunit bago daw matupad ang iyong kahilingan, kailangan munang maghulog ng coins sa box na nakalagay malapit sa golden Buddha, pumalakpak ng tatlong beses at hawakan ang pulang lubid na nakatali dito.