Update: Tinanggal na rin ang lockdown sa Agoncillo at Laurel sa Batangas.
Pinayagan nang umuwi ang mga residente maliban sa mga barangay na sakop ng 7-kilometer danger zone tulad ng Bilibinwang, Subic Ilaya at Banyag sa Sgoncillo at Gulod, Buso-Buso at Bugaan East sa Laurel.
Nauna nang tinanggal ang lockdown sa 10 bayan at dalawang syudad ng Batangas na sakop ng 14-kilometer danger zone noong nasa Alert Level 4 pa ang Bulkang Taal.
Nakauwi na ang mga residente matapos ibaba na lamang sa Alert Level 3 ang estado ng bulkan na may 7-kilometer danger zone.
Samantala, tiniyak ni Lito Castro ng PDDRMO-Batangas na magpapatuloy ang ibinibigay na ayuda sa mga taga-Batangas kahit pa nakabalik na sila sa kani-kanilang tahanan.
Mananatili sang lockdown sa Agoncillo at Laurel sa Batangas habang nasa Alert Level 3 ang estado ng Bulkang Taal.
Ayon kay Lito Castro, administrator ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)-Batangas, sakop ng 7-kilometer danger zone ang dalawang bayan.
Hanggang sa oras na ito, naka lockdown parin ang Laurel, Batangas,” ani Castro.
Samantala, nakabalik na ang karamihan sa mga residente ng 10 bayan at dalawang syudad na tinanggal na ang lockdown.
Tiniyak ni Castro na magpapatuloy ang ibinibigay na ayuda sa mga taga-Batangas kahit pa nakabalik na sila sa kani-kanilang tahanan.
Kahit pa nakauwi na ang ibang mga bakwit, magpapatuloy pa rin ang pagbibigay ng mga relief goods,” ani Castro. —sa panayam ng Ratsada Balita