Patuloy na nagbubuga ng usok ang Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa PHIVOLCS, weak to moderate emission ang naitala mula sa crater ng bulkan at ang taas ng kulay puting steam laden plumes na ibinibuga nito ay umabot sa 50 meters hanggang 800 meters.
Ang sulfux dioxide na ibinubuga ng Bulkang Taal ay umaabot sa 87 tons kada araw.
Nakapagtala rin ng 170 volcanic earthquakes sa magdamag kabilang ang mahihinag pagyanig.
Nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa Bulkang Taal at pinapayuhan ang publiko na iwasan ang pagpasok sa loob ng 7-kilometer radius mula sa main crater.
Ipinauubaya naman sa Local Government Units ang pag-assess sa mga lugar na nasa labas ng 7-kilometer radius para matingnan ang pinsala at road accessibilities at tiyakin pa ring ang pagiging handa sakaling tumindi ang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.