Binatikos ni Congresswoman Loren Legarda ang pag-expire na ng mahigit sa P400-milyong pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi City matapos itong salantain ng mga lokal na terorista.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Legarda na sya ang naglaan ng pondo noong 2017 para sa General Appropriations Act ng 2018 bilang chairperson ng senate finance committee.
I allocated these funds in 2017 for the 2018 gaa as chair of finance then. Such incompetence and utter disregard for the welfare of people if it has been I obligated, unused, allowed to expire.
— Loren Legarda (@loren_legarda) January 27, 2020
Malinaw anyang kapabayaan na hinayaang mag-expire ang pondo na nakalaan para sa kapakanan ng mga taga-Marawi City.