Ipinagluluksa ang biglaang pagkamatay ng basketball legend na si Kobe Bryant at kanyang anak na si Gianna.
“Devastated” ang ginamit na salita ni NBA Commissioner Adam Silver upang ilarawan ang kanilang nararamdaman sa pagkamatay ni Kobe.
Sa 20 seasons anya ng NBA, ipinakita ni Kobe Bryant kung ano ang puwedeng mangyari kapag pinaghalo ang talento at ang debosyong manalo.
BASAHIN: Pahayag ni NBA Commissioner Adam Silver sa pagkasawi ni Los Angeles Lakers legend Kobe Bryant sa isang helicopter crash. | via @NBA https://t.co/BUN8klbHND
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 26, 2020
Sa kasaysayan ng NBA, maituturing na “legendary” ang accomplishments ni Kobe Bryant –bahagi ito ng limang NBA championships, NBA MVP Award, 18 NBA All-Star selections at dalawang olympic gold medals.
Ayon sa NBA, maaalala si Kobe, hindi sa kanyang mga award, kun’di sa kanyang adbokasiya na ibahagi ang kanyang karanasan at kaalaman sa basketball sa mga kabataang naging maging basketbolista sa hinaharap.
Si Kobe Bryant kasama ang anak na si Gianna ay kabilang sa syam kataong nasawi matapos bumagsak ang sinasakyang helicopter.