Rollback sa presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ang sasalubong sa publiko sa pagpasok ng buwan ng Pebrero.
Kasunod na rin ito nang ipatutupad na rollback sa presyo ng LPG mula P4.00 hanggang P6.00 tapyas sa presyo kada kilo, sa ika-1 ng Pebrero.
Nangangahulugan itong nasa P44.00 hanggang P66.00 ang rollback sa kada 11-kilogram LPG cylinder.
Sinabi ng Department of Energy (DOE) na bumaba ang halaga ng produktong petrolyo sa world market dahil nabawasan ang pagbiyahe sa gitna ng coronavirus scare kaya’t bumaba rin ang demand sa oil products.