Nagtalaga ng mga truck ang Philippine Coast Guard (PCG) para tulungan ang mga inilikas na pamilya sa Batangas na magsisibalikan na sa kani-kanilang mga bahay.
Binigyan na ng ayuda, simula pa kahapon, ng PCG ang mahigit 100 pamilya na inihatid sa kanilang mga bahay sa mga bayan ng Bbauan, San Nicolas at Lemery.
LOOK: The Philippine Coast Guard (PCG) Task Force Taal in Southern Tagalog assisted affected families of #TaalEruption as they started to return to their homes yesterday afternoon, 27 January 2020. pic.twitter.com/6sNMNZOF4W
— Philippine Coast Guard (@coastguardph) January 27, 2020
Tiniyak naman ng PCG na sa kabila ng pagbaba at pahina nang aktibidad ng Bulkang Taal ay patuloy nilang pinapayuhan ang mga residente na huwag nang bumalik sa mga lugar na sakop ng danger zone.