Patay ang dalawang drug suspek sa buy-bust operations sa Barangay Banaba, Padre Garcia, Batangas.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), naghinala ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya’t pinaputukan nila ang mga ito.
Nagkaroon ng palitan ng putok na ikinasawi ng suspek na kinilalang sina Louie Mendoza at Richard De Guzman.
Nakuha sa mga suspek ang anim na sachets ng shabu na nagkakahalaga ng nagkakahalaga ng P1.7-milyon, P350,000 isang kalibre .38 baril at kalibre .45 baril.