Walang planong bawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang ibinibigay nilang alokasyon ng tubig sa mga taga-Metro Manila.
Ito’y sa kabila ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig ng Angat dam na siyang pinagmumulan ng suplay ng NCR at ng ilang probinsya sa Central Luzon.
Ayon kay NWRB Executive Director Dr. Sevillio David Jr, ayaw naman nilang lumaki pa ang problemang dulot ng mas mababang alokasyon ng tubig tulad ng naranasan na sa nakalipas na mga panahon.
Mula kasi sa normal water allocation na 46 cubic meters per second, sinabi ni David na ipinako na ito ng NWRB sa 42 cubic meters per second.
Kaya naman apela ni David sa publiko, huwag magsayang ng tubig upang maging maayos ang antas ng suplay mula sa Angat dam hanggang sa dumating ang panahon ng tag-ulan. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)