Isandaang porsyento (100%) nang kumpleto ang Kawayan Seaport sa Biliran.
Ipinabatid ng Department of Tourism (DOT) na pinalawak ang causeway at konstruksyon ng back-up area ng Kawayan Seaport na magsisilbing gateway sa mga magagandang isla sa lalawigan.
Ayon sa DOT, makatutulong ang Kawayan Seaport para mas komportableng makapagbiyahe sa mga kilalang tourist destinations sa Eastern Visayas.
Kabilang dito ang Caucab Rice Terraces, Tinago Falls, Mainit Hotsprings, Sambawan Island at Higatangan Island.