Posibleng matanggap na bukas o sa Biyernes ang resulta ng novel corona virus test na ipinadala sa Australia.
Matatandaang nagpadala ang Department of Health ng 6 na specimen mula sa mga pasyenteng hinihinalang may sakit na NCov sa bansa.
Sa kabila nito, sinabi ng DOH nanatili pa ring NCov free ang bansa sa ngayon.
Matapos na matanggap ang resulta, hindi na rin kinakailangan ng DOH na magpadala muli ng test sa Australia dahil paparating na ang primer mula sa Japan para mismong ang mga tauhan na ng DOH–RITM ang siyang gumawa ng test dito sa bansa.