Mahigpit na depensa.
Ito ang nakita ni sports analyst Ronnie Nathanielsz na susi sa naging tagumpay ng Gilas Pilipinas kontra Iran kahapon.
Ayon kay Nathanielsz, bagamat naging agresibo sa opensa ang Gilas kahapon ay maganda aniya ang ipinakitang disiplina ng mga ito pagdating sa depensa kaya’t di umubra ang powerhouse Iran.
“Sobrang galing na coach itong si Baldwin kasi ang estilo niya he will give the player freedom to play, it’s not very strict organized kind of offense but defensively he is very very organized, para sa kanya the key to winning is through defense, and again team like Iran, you have to play excellent defense.” Ani Nathanielsz.
Maliban dito, nakahanap din aniya ng katapat si Amed Haddadi ng Iran sa katauhan ni naturalized Gilas player Andray Blatche.
“‘Yung estilo ni Haddadi, he is a very nice person, but he is always dominated, this time he met his match in a much quicker smarter Andray Blatche.” Pahayag ni Nathanielsz.
By Ralph Obina | Karambola