Kinalma ng Department of Health ang publiko sa gitna ng takot sa sakit na novel coronavirus (NCov).
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, di hamak na mas mataas ang infectivity rate ng sakit na tigdas o measles kumpara sa NCov.
Aniya, kayang maghawa ng isang taong may sakit na tigdas ng hanggang 18 katao habang ang isang mayroong sakit na NCov ay maaring makahawa sa hanggang 4 na indibwal.
Sa ngayon, nanatili pa ring NCov free ang Pilipinas sa kabila ng 23 person under investigation sa naturang sakit.