Inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga residenteng natuklasang bumalik sa mga lugar na isinara ng pamahalaan dahil sa nananatiling panganib sa kanila.
Kasunod na rin ito nang isinagawang inspeksyon ni Commodore Artemio Abu ng PCG Task Force Taal sa buoy marker na inilagay sa 7-kilometer radius danger zone sa Taal Lake.
Kaagad kinausap ni Abu ang mga residente kaugnay sa panganib ng pananatili roon at hinimok na umalis at sumunod sa pinaiiral na safety measures lalo na at nananatili pa rin sa Alert Level 3 pa ang seismic activity ng Taal Volcano. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)