Tuluyan nang ipinull-out ang halos 2,000 pulis na idineploy para bigyan ng ayuda ang mga pamilyang naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ipinabatid ito ni PNP Spokesman Bernard Banac matapos ipag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng mga nasabing pulis sa kanilang normal na trabaho.
Gayunman, tiniyak ni Banac na mananatili ang local police units at search and rescue unit ng Police Regional Office-4A para magbigay ng seguridad at tulong sa relief operations sa rehiyon sa mga naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.