Siniguro ng Department of Health (DOH) na naka handa ang lahat ng pagamutan ng pamahalaan na tanggapin ang mga taong pinangangambahang mayroong novel corona virus.
Kasunod ito ng kumpirmadong kauna unahang kaso ng nCoV sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sapat ang pasilidad ng gobyerno para kalingain ang mga pasyenteng hinihila at positibo sa nCoV.
Nanatili namang naka high alert ang Bureau of Quarantine sa istriktong surveillance sa mga papasok sa mga pantalan at paliparan sa buong bansa.
Samantala, ngayong araw ay inaasahang magkakaroon ng high level meeting ang interagency task force on emerging infectious disease kaugnay sa nCoV.