Naniniwala si Senador Ralph Recto na panahon na para pansamantalang hindi papasukin sa bansa ang mga bisita mula sa China.
Kasunod ito ng naitalang kauna unahang kaso ng novel coronavirus sa bansa.
Ayon kay Recto, maari namang ipaliwanag na hindi tuluyang isinasara ng bansa ang pinto nito sa China.
Paliwanag ng senador hindi ito permanente tulad ng Great Wall of China kundi ngayon lamang habang mayroong banta ng nCoV.