Umapela ang Department of Health sa publiko na iwasan ang pag bili at pag gamit ng n95 face mask sa kabila ng nCoV scare.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, ipaubaya na lamang sana ang pag gamit ng n95 mask sa mga health workers na humahawak sa mga kaso ng mga Patient Under Investigation (PUI) o mga hinihinalang may positibo sa nCoV.
Maari aniyang gamitin ng publiko ang mga surgical mask sabayan pa ng madalas na paghuhugas ng kamay at pagpapalakas sa resistensiya.
Samantala, nakikipag ugnayan na aniya ang DOH sa mga supplier ng mask sa Metro Manila kasunod ng balitang nag kaubusan ang suplay nito matapos na kumpirmahin ang unang kaso ng nCoV sa bansa.