Pinayagan nang makabalik ng China ang 11 kataong una nang inilagay sa quarantine sa Kalibo, Aklan at minonitor sa posibleng novel coronavirus infection.
Kahapon ng mag 3:00 ng hapon nang bumiyahe pabalik ng Chengdu, China ang mga nasabing tao.
Hndi naman tinapos ang 14 na araw na quarantine period dahil wala namang sintomas ng nCoV ang mga ito.
Sinabi ng Local Government Unit na nagdulot ng panic ang presensya ng mga nasabing Chinese nationals kaya’t pinabalik na nila ng China ang mga ito.
Apat sa 11 kataong ito ay nagkaroon ng contact sa confirmed nCoV patients sa Hong Kong.