Tuluy-tuloy ang pinaigting na pagkilos ng gobyerno para labanan ang 2019 novel coronavirus.
Kasunod na rin ito nang idaraos ngayong araw na pulong ng nCoV task force na pangungunahan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo pinagbabawalan muna ng Pangulong Duterte ang mga pinoy na mag biyahe sa China maging sa Special Administrative Regions nitong Hong Kong at Macau.
Maaari rin aniyang pagbawalan ng task force na makapasok ng bansa ang mga turistang galing sa ibang bansa kung saan laganap ang nCoV.
Kasabay nito nanawagan si PCOO Chief Martin Andanar sa publiko na manatiling kalmado at iwasan ang diskriminasyon sa gitna nang mabilis na pagkalat ng nCoV.