Pumapalo na sa mahigit 300 ang death toll sa outbreak ng 2019 novel corona virus acute respiratory disease sa China.
Ipinabatid ng Hubei Province Health Commission na 45 ang nadagdag sa bilang ngayon ng mga nasawi na nasa 305 at pinakamarami ay nagmula sa Hubei Province.
Tiwala naman ang Chinese authorities na malalabanan nila ang sakit at mapigilan ang paglaganap nito sa iba pang lugar.