Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Don Marcelino sa Davao Occidental.
Ayon kay Don Marcelino Municipal Agriculture Head Belen Geldore, opisyal na idineklara ang state of calamity kahapon, Pebrero 2, araw ng Linggo.
Una rito, ipinag-utos ni Don Marcelino Davao Occidental Mayor Michael Maruya ang muling pagbuhay sa regional animal disease task force para matutukan ang kaso ng ASF sa kanilang lugar.
Gayundin ang pagpapatupad ng pansamantalang lockdown kung saan ipinagbabawal muna ang paglalabas, pagpapasok at pagbebenta ng karneng baboy mula sa Don Marcelino.