Isinusulong ni Vice President Jejomar Binay ang isang taong moratorium sa pagpa-file ng kaso laban sa mga may planong tumakbo sa eleksyon.
Nangangahulugan ito ayon kay Binay na hindi muna kakasuhan ang isang kandidato para maiwasan ang political harassment sa mga kakandidato.
Inaabuso aniya ang isang kandidato sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng pananakot kabilang ang pagkakaso sa Ombudsman at Sandiganbayan bago mapatawan ng preventive suspension.
Nilinaw ni Binay na ang panukala niya ay hindi lamang para sa mga kandidato kundi maging sa mga supporter din.
Iginiit ni Binay na hindi self-serving ang nasabing panukala.
By Judith Larino | Allan Francisco