Nanawagan ang Gabriela Partylist sa mababang kapulungan ng kongreso para magsagawa ng imbestigasyon sa ‘di umano’y kwestyonableng paggasta sa confidential fund ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Kasunod ito ng naging pagbibitiw ni DICT Usec. Eliseo Rio sa kanyang posisyon dahil sa kwestyobale umanong disbursement sa 300-M na pondo ng DICT.
Ayon sa Gabriela, ang naturang rebelasyon ay posibleng mag turo pa sa mas marami pang mga illegal na paggamit ng pondo ng ahensiya.
Nanawagan naman ang grupo sa iba pang opisyal ng gobyerno na lumabas at magsalita ukol sa mga anomalayang nagaganap sa kani – kanilang mga ahensiya.