Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa ang gobyerno na ipaalam sa publiko ang lahat ng kailangan malaman tungkol sa 2019 novel coronavirus sa Pilipinas.
Ayon sa pangulo walang itatago ang gobyerno at magiging transparent ito sa publiko.
Aniya kahit pa ang impormasyon ay maglilikha ng pangamba sa publiko ngunit ito naman ang totoo ay isasapubliko ito ng gobyerno.
Wala umanong kailangan itago dahil maraming buhay ang nakasalaylay dito.