Inamin ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Eliseo Rio na mayroon silang pagkakaiba ng opinyon ni Dict Secretary Gregorio Honasan.
Kaugnay anya ito sa paggamit sa confidential fund ng Dict.
Ayon kay Rio, una nang pinuna ang maling proseso ng pagpapalabas ng confidential fund na una na ring sinita ng Commission on Audit (COA).
Naniniwala rin si Rio na ang confidential fund ay hindi dapat ginagamit sa surveillance dahil hindi ito kabilang sa mandato ng DICT.
Ang mandato anya ng ahensya ay tiyaking ligtas sa cyberattack ang lahat ng information infrastructure sa bansa.
Irereport niya ‘yan sa isang law enforcement agency at sila po ‘yung –they have the capability to identify… sila po ang nangangailangan ng intelligence o confidential funds, pero iba naman po ang posisyon ni Secretary Honasan at syempre siya ang secretary, sya po ang masusunod. ‘Yun na nga po ang difference ng aming opinion tungkol sa paggamit ng confidential fund,” ani Rio. —sa panayam ng Balitang Todong