Apektado pa rin ng hanging Amihan ang buong bansa.
Ayon sa PAGASA, naitala sa 18.8°C ang pinakamalamig na temperatura sa PAGASA Science Garden sa Quezon City, samantalang mas mainit na temperatura ang naitala sa ibang bahagi ng Metro Manila ngayong Martes, Pebrero 4.
TINGNAN: Mga residente ng Metro Manila, maaaring makaranas ng maulap na kalangitan ngayong umaga; 18°C hanggang 25°C na temperatura, marararamdaman ngayong umaga | via @dost_pagasa pic.twitter.com/cmF7b2EoiW
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 3, 2020
Nasa 20°C ang temperatura sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City –alas-5:08 ng madaling araw, at 21. 5°C naman sa Port Area sa Maynila –alas-6:30 kaninang umaga.
Inaasahang babagsak pa sa 18°C ang pinakamababang temperatura sa mga susunod na araw.
Samantala, nasa 11°C naman ang naitalang temperatura sa Baguio City kaninang alas-4:50 ng madaling araw.
Nasa 14°C naman ang pinakamalamig na temperaturang naramdaman sa Malabaylay, Bukidnon; 15. 3°C sa Tuguegarao City; 16.8°C sa Laoag City; at 16.8°C sa Casiguran, Aurora.
Ipinabatid ng PAGASA na tatagal pa hanggang sa ikatlong linggo ng Pebrero ang malakas na bugso ng Amihan sa bansa.