Nakapagtala na ang Hong Kong ng kauna-unahang kumpirmadong nasawi dahil sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Ayon sa local news broadcaster na TVB, ang biktima na 39-anyos na lalaki ay una nang napaulat na mayroong ibang sakit.
Ang Hong Kong ay nakapagtala ng 15 kumpirmadong kaso ng 2019 nCoV-ARD, kabilang ang isang nailipat mismo dito sa special administrative region ng China.