Pinakukumpleto na ni Health Secretary Francisco Duque III ang contact tracing sa mga nakasabay na pasahero ng dalawang Chinese nationals na nagpositibo sa novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD) sa loob ng dalawang araw.
Ito ay matapos lumitaw sa pagdinig ng Senado na hindi pa tapos at nasa 17% pa lamang ng mga ito ang natunton na ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Duque, kanya nang inatasan ang epidemiologist bureau ng DOH na makipagtulungan sa Philippine National Police at Department of Interior and Local Government para sa puspusang pagsasawa ng contact tracing.
Samantala, binigyang diin naman ni Duque na hindi siya dapat sisihin sa mabagal na contact tracing sa mga pasaherong nakasabay ng dalawang Chinese nationals sa pagbiyahe ng mga ito sa patungong Cebu, Dumaguete at Manila.
Sinabi ni Duque, hindi aniya ito usapin ng leadership o pamumuno kundi kakayahan ng mga taong bumubuo sa epidemiology bureau na dapat ay pamilyar at nakakaalam na sa mga umiiral na protocol.