Half day lang ang operasyon ng Pasig ferry ngayong araw ng Miyerkules.
Batay sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), hanggang 12:00 ng tanghali lamang ang biyahe ng Pasig ferry para bigyang daan ang isasagawang dry run para sa Pasig River Cruise.
Ang naturang river cruise ay pinagsanib na proyekto ng Department of Tourism at MMDA.
Asahan namang babalik sa normal na operasyon ang byahe ng river ferry bukas, Pebrero 6.