Nabawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na magdamag.
Ipinabatid ng hydrology division ng PAGASA na nasa 202.41 meters ang water level sa Angat Dam kaninang alas-6 ng umaga.
Nabawasan din ang water level sa Ipo, La Mesa at iba pang dam sa Luzon maliban sa Binga dam na bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig.