Inaasahang maisasagawa na ngayong araw na ito ang cremation sa isang Chinese national na nasawi sa bansa dahil sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na isang funeral parlor sa Araneta Avenue sa Quezon City ang pumayag na i-cremate ang 44-anyos na Chinese national.
Ayon kay Duque, nakausap na nila ang pamilya ng nasabing dayuhan at nagbigay na ito ng consent para mai-crematre ang labi.