Isang 60-taong gulang na babeng Chinese ang ikatlong kaso ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) sa Pilipinas.
Ito mismo ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) sa kanilang pulong-balitaan ngayong Miyerkules, ika-5 ng Pebrero.
Ayon sa DOH, sa ngayon (as of 12NN), mayroon nang kabuuang 133 persons under investigation (PUIs) dahil sa naturang virus.
Sa nabanggit namang bilang, 115 sa mga ito ay naka-admit sa ospital; habang 16 naman ang nakalabas na; at dalawa ang nasawi.
Binubuo naman ng 63 Pinoy, 54 Chinese at 16 na mula sa ibang nationalities ang mga naturang PUIs.
Dagdag pa ng DOH, 32 sa 133 PUIs ay nagtungo sa Wuhan, China; ang iba naman ay galing sa Hong Kong, at ang nalalabi naman ay nakasalamuha ang mga nauna nang kumpirmadong nagpositibo sa 2019 nCoV-ARD.
This is a developing story. Please refresh page for updates.