Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagtatakda ng suggested retail price (SRP) sa galunggong.
Sa gitna ito ng mahal na bentahan ng galunggong sa mga palengke na halos umabot na sa P260 ang kada kilo mula sa dating P160 sa mga nagdaang buwan.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, hindi dapat umabot sa P200 ang presyo ng galunggong kahit pa umiiral ang closed fishing season mula pa noong Oktubre.
Plano rin ni Dar na kanselahin ang pagdating ng nasa 18,000 metriko tonelada ng imported na galunggong mula sa China at Vietnam.
Sinabi ni Dar na dapat ay hanggang nitong Enero lamang ang pag-aangkat ng isda.