Tiniyak ng Department of Health (DOH) na wala pang human to human transmission ng novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD) sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, spokesman ng DOH, dala-dala na ng mga pasyente ang virus pagpasok nila sa Pilipinas.
Matatandaan na pawang Chinese nationals ang tatlong nagpositibo sa 2019-nCoV ARD sa bansa kabilang ang isa na sumakabilang buhay na.
In the Philippines, all the cases for now are still imported, wala pa tayong human to human transmission here and we are very happy and the declaration of the President right now to ban temporarily all flights coming from China kasi atleast ang binabantayan natin lahat ngayon ay yung mga dumating before Sunday at walang nadadagdag previously,” ani Domingo.