Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilipat sa mga biktima ng pagsabog ng Taal Volcano ang pabahay na para sana sa mga pulis.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, batay ito sa kahilingan ng department of human settlements and urban development.
Ang mga housing units na nasa Batangas, Laguna, Cavite at Quezon ay ilalaan sa may 5,000 pamilya na naninirahan sa may 7-kilometer radius ng Taal Volcano.
Matatandaan na batay sa anunsyo ng PHIVOLCS, tiyak na napakaliit ng tyansa na may makaligtas sa mga naninirahan sa Volcano Island sakaling pumutok muli ang Bulkang Taal. — ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)