Lusot na sa Kamara ang panukalang Absolute Divorce.
Ito’y matapos i-invoke ni Albay 1st Dist. Rep. Edcel Lagman ang rule 48 kung saan maaaring agad aprubahan ang isang panukala kung ito ay naaprubahan na sa ikatlong pagbasa noong nakaraang kongreso.
Magsasama sama sa isang technical working group ang tatlong house bill kabilang na mga position paper ng iba pang stake holders.
Target maisumite ang committee report bago matapos ang Pebrero.
Kasabay nito, nanindigan si Lagman na ang nasabing panukala ay hindi layong makasira ng pamilya dahil sa katunayan aniya ay mapapabuti pa nito ang sitwasyon ng pamilya, unang-una ang pakinabang sa mga anak na may mga magulang na hindi na magkasundo pa.