Nagpositibo ang isang sanggol sa Beijing, China sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD), 30-oras matapos itong isilang.
Dahil dito, naitala ang sanggol bilang pinakabata na nakumpirmang apektado ng nasabing virus.
Batay sa ulat, posibleng “vertical transmission” o naipasa ng ina ng sanggol ang sakit habang ito ay nagbubuntis o kaya ay pagkapanganak.
Una rito, nag positibo na umano sa 2019 nCoV-ARD ang ina ng bata bago pa manganak.
Ayon naman sa China’s National Health Commission, 90-years-old ang pinakamatandang naitalang nagpositibo sa nasabing virus.