Nagpahayag na rin si Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino ng intensyon nitong tumakbong senador sa 2016 elections.
Ito ay matapos makakuha si Tolentino ng suporta mula sa 50 political leader sa lalawigan ng Cavite.
Kabilang dito ang malalaki at kilalang pamilya ng mga Revilla, Remulla at Maliksi na nagkasundo upang suportahan si Tolentino.
Ayon kay Tolentino, sa mga susunod na araw maghahain na siya ng resignation letter sa Malakanyang para sa kanyang interes na pagtakbong senador.
By: Ralph Obina