Nakatakdang serbisyuhan ng Philippine Airlines (PAL) ang mga na-stranded na pasahero sa Mainland, China dahil sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Ayon sa PAL, magtutungo sa Xiamen, China ang kanilang Airbus A321 sa Lunes, February 10 ng alas-7 ng umaga, para maghatid ng pasahero at babalik rin agad ng Pilipinas –pasado alas-11 ng umaga.
Tiniyak ng PAL na pawang mga dayuhan ang sakay nila sa biyaheng Manila-Xiamen, samantalang pawang mga Pinoy naman ang sakay nila sa kanilang Xiamen-Manila flight.
Ipinaalala ng PAL na ang kailangang mayroong cancelled PAL ticket patungo ng China, Macau o Hong Kong ang sinumang nais na sumakay sa kanilang flight patungo ng Xiamen.