Itinanggi ng pamahalaan ng Dubai na isang Filipina domestic helper sa kanilang bansa ang nasawi sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Ayon sa Facebook post ng Dubai government media office, lumabas sa pagsusuri na mayroong respiratory infection ang OFW, subalit wala itong coronavirus.
Una rito, mismong si Labor Secretary Silvestre Bello III ang nagpahayag na isang OFW sa Dubai ang nasawi sa coronavirus noong February 2.
Gayunman, hindi naging malinaw kung ang tinutukoy na coronavirus ni Bello ay ang Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV) na galing Middle East o 2019 nCoV-ARD na galing ng China.