Pumanaw na ang Chinese doctor na unang nagsiwalat tungkol sa bagong ‘SARS-like’ disease na ngayo’y tinawag na 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Namatay si Dr. Li Wenliang matapos dapuan rin ng coronavirus.
Ika-12 ng Enero nang itakbo sa pagamutan si Wenliang nang mahawaan ito ng kaniyang pasyenteng positibo sa nasabing sakit.
Kinumpirma naman ng World Health Organization ang pagkasawi ng doktor.