Magkakaloob ang World Health Organization (WHO) ng test kit sa Pilipinas para sa mapabilis ang detection ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV-ARD) sa bansa.
Malugod naman itong winelcome ni Health secretary Francisco Duque dahil ito ang magpapabilis at magbibigay ng credible na resulta sa nCoV-ARD patients.
Aniya, kung mabilis na lalabas ang test ay agad na madi-discharge sa ospital ang mga mag nenegatibo dito.
Kaugnay nito, dalawang pampublikong ospital at dalawa ring pribadong ospital ang i-a-accredit ng Department of Health para magsagawa ng naturang nCoV test.