Nakatakdang mag-usap sina Pangulong Rodrigo Duterte at U.S. president Donald Trump sa lalung madaling panahon.
Ito ang kinumpirma mismo ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, bagama’t hindi pa aniya malinaw sa ngayon ang magiging agenda ng nabanggit na pulong.
Gayunman sinabi ni Panelo na posibleng may kaugnayan ito sa pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sinabi ni Panelo, kanya pa ring itatanong kay Pangulong Duterte kung sino ang unang nagsulong ng napipintong pulong.
Dagdag pa ng kalihim, inatasan na rin ng pangulo si Executive Secretary Salvador Medialdea na sabihan si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na magpadala na ng notice of termination sa pamahalaan ng Estados Unidos.