Lumobo na sa higit 800 ang bilang ng mga nasawi dahil sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) mula sa China.
Ito’y makaraang maitala pa ang panibagong 81 katao na nasawi mula sa Hubei Province sa China —ang sentro at pinakatimaan ng naturang virus.
Kinumpirma rin ng health commission ng Hubei na kanila pang naitala ang panibagong 2,147 bagong kaso ng 2019 nCoV-ARD.
Sa ngayon ay nasa kabuuang 803 na ang bilang ng mga nasawi sa 2019 nCoV-ARD at nasa 36,690 naman ang kabuuang kumpirmadong kaso nito.