Apektado na ng usapin sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV-ARD) ang industriya ng turismo sa Bohol.
Batay sa ulat, kapuna-puna ang mababang bookings na natatanggap ng mga hotel sa Panglao Island, Bohol gayundin malaking bilang ng mga nakakansela.
Iniuugnay naman ito sa pagkaka-ulat na naglibot ng Bohol ang turistang Chinese na siyang ikatlong kumpirmadong kaso ng nCoV infection sa bansa.
Bunsod nito, nagpatupad na rin ng mga safety measures ang mga establisyemento, hotel at resort sa Bohol kung saan kanila nang sinusuri ang temperatura at travel history ng kani-kanilang mga bisita.