Isinailalim na sa blue alert status ng Department of Health (DOH) Central Luzon for Health Development ang lahat ng pampublikong ospital sa rehiyon.
Ito’y matapos magbalik bansa ang mga Pilipino na mula Hubei Province sa China.
Ibig sabihin ay nakahanda ang lahat ng pampublikong ospital na rumesponde o tumugon sakaling may OFW na mangailangan ng atensyong medikal.
Sa ilalim ng blue alert status, ang 50% ng tauhan sa mga pampublikong ospital ay obligadong pumasok upang makadagdag sa magbibigay ng tulong at serbisyong medikal.